Nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.
55-centavos ang ibinawas sa presyo ng kada litro ng gasolina ng Shell, Petron, Flying V at Seaoil.
10-centavos naman ang rollback sa presyo ng diesel habang 20-centavos naman ang bawas presyo sa kada litro ng kerosene.
Nagpatupad din ng kaparehong rollback sa presyo ng diesel at gasoline ang Eastern Petroleum, Unioil, Total, PTT at Jetti ngunit walang naging paggalaw sa halaga ng kerosene.
Ayon sa Department of Energy, sa ngayon ay nasa mahigit 41 to 48 pesos ang presyo ng kada litro ng gasolina sa Metro Manila.
Habang ang regular diesel naman ay may presyong mahigit 30 to 40 pesos kada litro.