Ilang kumpanya ng Langis magpapatupad ng Roll Back Ngayong Linggo

by Erika Endraca | December 9, 2019 (Monday) | 6924

METRO MANILA – Epektibo bukas (Dec. 10) alas-6 ng umaga ang ipatutupad na P0.40 na rollback sa Shell sa kada litro ng kanilang Gasolina at Kerosene. Habang wala namang pagbabago sa presyo ng Diesel.

Ang Petron naman P0.30 ang ibabawas nila sa kada litro ng Gasolina at Kerosene habang P0.10 naman sa Diesel.

Samantala Kahapon ( Dec.08) una nang nagpatupad ng P0.40 na bawas presyo sa kada litro ng Gasolina at  P.10 kada litro naman sa Diesel ang Cleanfuel.

Ito na ang ika-2 Linggo na nagkaroon ng bawas-presyo ang produktong petrolyo dahil sa patuloy na paggalaw ng presyo ng langis sa International Market.

Tags: