Inihain na sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang no work, no pay sa mga kongresista at senador.
Dito, ibabawas na sa sweldo ng isang senador o kongresista ang hindi niya pagdalo sa sesyon.
Hindi naman kasama sa panukalang no work no pay policy ang mga mambabatas na may kani-kaniyang opisyal na trabaho sa kanilang mga distrito.
Sang-ayon naman ang ilang kongresista sa panukalang ito.
Isang malaking problema sa mga nagdaang kongreso ang kawalan ng quorum dahil marami ang mga absent na kongresista sa oras ng sesyon.
Dahilan ito para madelay at hindi maipasa ang mga mahahalagang panukalang batas.
(Grace Casin/UNTV Radio)
Tags: no work no pay policy