Ilang kongresista, inakusahang may sabwatan ang Kamara at ilang SC justice para alisin sa pwesto si Sereno

by Radyo La Verdad | March 7, 2018 (Wednesday) | 3114

Inakusahan ng ilang kongresista ang Kamara na umano’y nakikipagsabwatan sa ilang Supreme Court Associate Justice para mapataksil sa pwesto si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ito ang konklusyon ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano sa nagiging takbo ng mga reklamong kinakaharap ngayon ni Sereno.

Isa umano sa halimbawa ng sabwatan ay ang pag-anunsyo ni impeachment committee chairman Reynalo Umali sa pagdinig ng naging desisyon ng SC en banc sa leave of absence ng punong mahistrado, pero si Umali itinanggi ang akusasyong ito.

Samantala, pinag-iinhibit naman ng mga kongresistang miyembro ng Makabayan bloc ang pitong SC justice na bumoto para utusan si CJ Sereno na mag-indefinite leave.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, anim sa mga ito ay una nang humarap sa impeachment committee kaya tiyak na hindi sila magiging patas sa pagdedesisyon.

Kaya dapat umanong igiit ni Sereno ang kanyang karapatan, pero hindi naman sang-ayon dito si House Speaker Pantaleon Alvarez.

Samantala, hihintayin ng Kamara ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition laban kay  Sereno.

Ayon kay House Majority Floor Leader Rudy Fariñas, kapag nai-refer na sa plenaryo ang articles of impeahcment, base sa rules, may hanggang ika-31 ng Oktubre sila para tapusin ito.

Mahalaga din daw na malaman muna kung balido ba ang pagkakatalaga kay Sereno bilang chief justice dahil ang impeachment proceedings ay para lamang sa opisyal ng pamahalaan na validly appointed.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,