Ilang Kongresista Hinikayat ang Publiko na manood na lang SEA Games Kaysa maghanap ng maipupuntos

by Erika Endraca | November 27, 2019 (Wednesday) | 4964

METRO MANILA – Hinimok ng ilang Kongresista ang publiko na manood na lang muna ng mga laro at suportahan ang mga Pilipinong atleta kaysa maghanap ng maipupuntos sa paghahanda sa Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Representative Jericho Nograles, Chairman ng House Committee on Youth and Sports, posibleng makaapekto umano ang mga negative posts sa performance ng mga atletang Pinoy.

“There is such thing a thing as sports psychology and environment does affect it and if we will allow it as a nation to affect the spirit of the sea games then talagang yung performance ng athletes matatamaan..” ani PBA Partylist  Rep. Jericho Nograles.

Gayun pa man, hindi naman umano ibig sabihin nito ay pababayaan na lamang ng pamahalaan ang mga nakikitang kapalpakan.

“Who ever will be accountable should be accountable. Just bear in mind that whatever government funds that are utilized there will be accountable to the government and to the people of the Republic of the Philippines. And whatever private funds that are utilized, sa private na rin yun.” ani PBA Partylist  Rep. Jericho Nograles.

Hinggil sa kung iimbestigahan ba ito ng kaniyang kumite, ayon kay Nograles ay wala pa itong hawak na facts at ipinapaubaya muna nito sa Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) ang naturang bagay.

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na rin ang PHISGOC sa mga ahensya ng pamahalaan katulad ng Department of Tourism (DOT) upang maasikaso ang pagsasaludar ng mga atleta at guests sa SEA Games.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,