Ilang jeepney driver, humihirit ng umento sa pasahe matapos ang higit 10 beses na oil price hike ngayong taon

by Erika Endraca | May 28, 2019 (Tuesday) | 37225

Manila, Philippines – Umapela muli sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang jeepney driver na itaas na ang pamasahe. Bunsod ito ng higit 10 beses na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Batay sa datos ng Department of Energy (DOE), 16 na beses ang naitalang oil price hike sa gasolina simula Enero hanggang mayo ngayong taon at umabot sa mahigit P11 ang nadagdag sa presyo nito. Habang ang diesel 13 beses na nagtaas ang presyo ngayong 2019, kung saan P9 ang kabuong patong sa presyo nito.

Bagaman mahigit sa 10 beses na tumaas, nakapagtala rin naman ang doe ng tig 5 beses na oil price rollback sa gasolina at diesel. Kung susumahin, aabot sa 7.50 ang neto na nadagdag sa presyo ng gasolina at mahigit anim na piso naman sa diesel.

Ayon sa doe bunsod ito ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigan merkado. Pero ayon sa ltfrb, hindi pa rin naisasapinal ang formula para sa adjustable fare matrix.

Samantala, Bumalangkas ng isang formula ang ltfrb upang mapabilis ang proseso ng pag-a-adjust sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan depende sa galaw ng presyo ng produktong petrolyo.

Kasama ng ltfrb sa pag-aaral nito ang Department of Energy (DOE), Department of Finance, Department of Trade and Industry (DTI) at ang National Economic Development Authority (NEDA).

Dahil bukod sa presyo ng langis, kailangan rin maikonsidera dito ang iba pang mga aspeto, upang mabalanse ang interes ng mga mananakay at transport groups.

“Few weeks ago i’ve actually asked for that update also we’re still getting from the other agencies pero ang inaano nalang natin dito although yung primary consideration natin ay yung fuel” ani LTFRB Chairman, Atty. Martin Delgra III

Nauna nang hiniling ng ilang transport group sa ltfrb na itaas sa P10 ang minimum na pasahe sa mga jeep kasunod ng implementasyon ng train law.Subalit P9 lamang ang pinayagan ng board.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , , ,