Ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority ang ilang provincial bus terminal na ilegal na nago-operate sa Pasay City kahapon habang inimpoind naman ang mga bus na out of line.
Kinabitan ng closure poster at saka ipinodlock ang dalawang terminal na ginagamit ng Bragais Bus Company, Pamar Bus, St. Jude Bus at St. Rafael Bus Company
Inimpound naman ang apat na bus ng Don Aldrin dahil out of line ang mga ito.
Bilang parusa, mananatili ng tatlong buwan ang mga naimpound na bus sa impounding area ng MMDA sa Marikina City.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, bukod sa kakulangan ng papeles, madalas lumabag sa nose-in nose-out policy ng MMDA ang mga ito na malaki ang epekto sa traffic sa Edsa.
(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)
Tags: Danny Lim, illegal bus terminal, MMDA