Ilang hakbang upang matugunan ang problema sa trapiko, iprinisinta ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | September 1, 2015 (Tuesday) | 7050

TRAFFIC
Inilabas ng Malakanyang ang naging resulta ng pakikipagpulong ni Pangulong Benigno Aquino the third sa ilang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng paglutas sa matagal nang problema na mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior, itinalaga ng pangulo ang Highway Patrol Group o HPG na pangunahing mangangasiwa sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa.

Anim na choke points ng edsa ang pangunahing babantayan ng HPG, ito ang Balintawak, Cubao, Ortigas, Shaw Boulevard, Guadalupe at Taft Avenue.

Ilan pang hakbang na napagkasunduang gagawin ay ang mahigpit na pagpapatupad ng bus lanes sa Edsa at clearing ng obstructions sa edsa at mga alternatibong ruta.

Ayon pa sa Malakanyang patuloy pa rin ang konsultasyon sa mga stakeholder kaugnay ng iba pang ipinapanukala upang masolusyunan ang problema sa trapiko.

Isa na rito ang nabanggit na ng Pangulo na odd-even scheme. (Nel Maribojoc / UNTV News)

Tags: ,