Umiiral pa rin ang isang low pressure area (LPA) sa bansa. Namataan ito ng PAGASA sa layong 760km sa east northeast ng Basco, Batanes. Wala itong direktang epekto sa bansa subalit pinalalakas nito ang habagat na siyang nakakaapekto sa Luzon.
Makararanas ng mga pag-ulan ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales at Bataan.
May paminsan-minsan ding pag-ulan sa Metro Manila, Occidental Mindoro, Calabarzon at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
May thunderstorms din sa nalalabing bahagi ng Luzon, habang makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan sa Visayas at Mindanao.
Mapanganib namang pumalaot sa western seaboards ng Luzon at northern seaboard ng Northern Luzon dahil sa mataas na alon.
Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad na maging bagyo ang LPA.