Ilang guro at mag-aaral sa Zamboanga City, nagsagawa ng advanced commeration sa 30th EDSA People Power Anniversary

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 4078

DANTE_EDSA
Mag-alas sais na ng gabi nang matapos ang advance commemoration dito sa Zamboanga City ng ika-tatlumpong taong anibesaryo ng EDSA People Power Revolution na pinangunahan ng mga guro at mag-aaral ng Ateneo de Zamboanga University sa quadrangle ng paaralan.

Tumagal ng dalawang oras ang commemorative celebration sa makasaysayang People Power Revolution na naging daan upang wakasan ang mahigit dalawampung taon ng rehimeng Marcos.

Bahagi ng programa ang pagsasalita ng ilang guro na may kaalaman sa nangyari noong panahon ng EDSA People Power Revolution.

Sabay-sabay rin na umawit ang mga participants ng isang heroic song bilang pagpupugay at pasasalamat sa mga pilipinong nagbuwis ng buhay noong panahon ng Martial Law at bayani noong People Power.

Ayon sa presidente ng paaralan, pangunahing layunin ng kanilang ginawang programa ay upang mabigyan ng kaalaman lalo na ang mga kabataan kaugnay ng EDSA Revolution.

Naniniwala ang mga guro na mahalagan maunawaan ng mga kabataan kung ano ang mga ipinaglaban ng ating mga kababayang Pilipino.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,