Ilang grupo ng mga manggagawa, binatikos ang kawalang aksyon ng administrasyong Aquino sa kanilang mga hinaing

by dennis | April 27, 2015 (Monday) | 1877
Grupong NAGKAISA, habang nagdaraos ng kanilang press conference para ipanawagan ang pagpasa ng Security of Tenure Bill para sa mga manggagawa (Photo courtesy of Jerolf Acaba, UNTV Radio Correspondent)
Grupong NAGKAISA, habang nagdaraos ng kanilang press conference para ipanawagan ang pagpasa ng Security of Tenure Bill para sa mga manggagawa (Photo courtesy of Jerolf Acaba, UNTV Radio Correspondent)

Hustisya para sa 40 milyong manggagawa sa bansa ang sigaw ng grupong NAGKAISA, sa isinagawang press conference kaninang umaga kaugnay ng nalalapit na selebrasyon ng Labor Day sa Mayo 1.

Giit nila ang umano’y walang pag-usad sa buhay ng mga manggagawa matapos ang limang taong panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Annie Geron, presidente ng Public Services Labor Independent Confederation o PSLINK, taong 2012 pa noong nakipagdayalogo sila sa Malacañang upang hilingin na gawing urgent ang pagdinig sa Security of Tenure Bill upang mapigil ang lumalaganap na kontraktwalisasyon at ipatupad na ang substantial na across-the-board wage increase para sa mga manggagawa

Dagdag pa nila, ang mapait na karanasan na sinapit ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na hinatulan ng kamatayan sa Indonesia, ang isang halimbawa umano ng epekto ng chronic unemployment problem ng ating bansa dahil maraming mga Pilipino ang pinipiling mangibang bansa dahilan sa kawalan ng maayos na trabaho sa ating bansa.

Samantala, sa unang araw ng Mayo o Labor Day ay inaaasahang magmamartsa ang nasa 25 libong mga mangagawa galing sa iba’t ibang grupo mula España hanggang Mendiola, at hindi na umano sila bukas upang makipagdayalogo sa Pangulo bagkus ay idadaan na lamang nila ito sa paglulunsad ng kilos protesta.

Tags: , ,