Ilang grupo na tutol sa EDCA, nag- protesta sa harap ng Supreme Court

by Radyo La Verdad | January 19, 2016 (Tuesday) | 7011

rally at SC

Nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng Supreme Court ang ilang grupo para kundenahin ang desisyon nito na pumapabor sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Ayon sa Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya, isang paraan ang EDCA para magkaroon ng mas maraming US troops sa bansa at pag-prepreposition ng mga armas, at iba pang gamit pang giyera na layong pigilan ang China.

Paliwanag ng grupo, hindi totoong layon ng EDCA na maprotektahan ang seguridad at soberenya ng bansa. Sa halip anya, layon lang nito palakasin ang hangarin ng US kaugnay ng asia pacific pivot strategy.

Layon naman anya ng stratehiya na ito na kalabanin ang China, na isa umanong economic rival ng Amerika.

Ikinakabahala rin ng grupo ang umanoy posibilidad na sa pagdami ng US troops sa bansa ay dadami rin ang mga Pilipinong maaring maabuso at ang paglaganap din anya ang prostitusyon.

Isa pa anyang posibilidad ay ang pagiging dependent ng Pilpinas sa US at maari rin anyang malagay sa estado ang Pilipinas kung saan magiging kaaway na rin ito ng mga bansang kalaban ng Estados Unidos.

Nanawagan din ang grupo sa mga mambabatas na kontrahin ang desisyon ng Korte Suprema.

(Joms Malulan / UNTV Radio Reprter)

Tags: , , , , ,