Maaari nang dumaan ang mga motorista sa Camp Aguinaldo at Fort Bonifacio naval base sa Taguig City upang mapabilis ang kanilang biyahe at maka-iwas sa traffic.
Ito ay bahagi ng mga ginagawang hakbang ng Metropolitian Manila Development Authority at Inter-Agency Committee on Traffic upang mapaluwag ang traffic condition sa Metro Manila.
Kinakailangan lamang mag-apply ng decal o pass card sa tanggapan ng MMDA na nagkakahalaga ng 500 pesos.
Dalhin lamang ang or at cr ng sasakyan at magbigay ng character reference upang makakuha nito.
Plano rin ng mmda na buksan sa mga motorista ang ilang kalsada sa UP Diliman, Veterans Memorial Medical Center at EDSA Jupiter St. sa Bel-Air Subdivision sa Makati.
Magiging alternatibong ruta ang UP Diliman para sa mga nanggagaling ng Katipunan papuntang Commonwealth Avenue.
Mabilis namang makakarating ng Mindanao Avenue ang nasa North Avenue kapag nabuksan ang Veterans Memorial Medical Center.
Makakaluwag naman sa EDSA Orense kapag nabuksan ang bahagi ng Jupiter St. sa Bel-Air Subdivision sa Makati.
Kung makikita nila na magiging epektibo ay ituloy-tuloy na nila ang implementasyon nito.
Subalit iginiit ng MMDA na kailangan pa rin nila ang emergency powers na ibibigay ng Kongreso.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: binuksan na bilang aternatibong ruta, Ilang government property at private roads, MMDA