Kahapon ay pansamantalang sinuspinde ang byahe ng tren sa north at southbound service ng Taipei Main Station dahil sa mga nagsasagawa ng kilos-protesta. Inirereklamo ng mga manggagawa ang labor reforms. Bumaba mismo sa track at humiga sa riles ang mga protesters habang isinisigaw ang kanilang pagtutol.
Sa bagong ammendment ng Labor Standards Act, sinasabi na pwede nang pwersahin ng mga employer ang kanilang mga empleyado na magtrabaho ng 12 straight days, walang day off.
Sa kasalukuyan ay umiiral pa ang mandatory day off para sa mga manggagawa tuwing matapos ang ika-pitong araw ng kanilang pagtatrabaho.
Nahaharap sa kaukulang parusa ang mga nag-protesta at ayon sa Mass Rapid Transit Act ng Taiwan, ang sinomang tresspaser sa MRT tracks at nagdulot ng delay sa train service ay magbabayad ng mula 1,500 hanggang 7,500 Taiwan dollars o mula 2,500 hanggang 12,500 pesos.
( Amiel Pascual / UNTV Correspondent )
Tags: bagong labor law, foreign workers, Taiwan