Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport ngayong araw dahil sa masamang panahon.
Ayon sa PAGASA apektado ng namataang low pressure area na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, kabilang sa mga cancelled flight ang PAL Express 2P 2079 at 2P 2080 na biyaheng Manila patungong Catarman at Catarman pabalik ng Manila.
Tags: Ilang flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com