Ilang Filipino nurse sa Libya, ayaw pa rin umuwi sa Pilipinas sa kabila ng kaguluhan

by Erika Endraca | May 9, 2019 (Thursday) | 6521

Manila, Philippines – Binisita ng mga kawani ng Philippine Embassy sa Libya sa pangunguna ni Charge d’Affaires Elmer Cato ang mga pilipino nurse sa labas ng Tripoli na apektado ng kaguluhan.

Ayon sa opisyal, nasa maayos na kalagayan ang mga ito at nagpasalamat sa pag-aalala ng pamahalaan sa kanila.

At bagama’t tuloy pa rin ang kaguluhan sa lugar, ayaw pa rin umanong umuwi ng mga ito.

Samantala, ayon sa opisyal ay dumating na sa Libya ang 2 opisyal ng pamahalaan na kanilang makakatulong upang i-monitor ang kalagayan ng ating mga kababayan sa mga lugar sa bansa na apektado ng kaguluhan.

Tags: , ,