Ilang evacuees sa Makilala, Cotabato nakaranas ng pagsusuka dahil sa mga donasyong pagkain

by Erika Endraca | November 6, 2019 (Wednesday) | 5759

Makilala, Cotabato – Nakaranas ng pagsusuka at pananakit ng tiyan ang 30 residente sa Makilala Cotabato ang dahil sa kinaing donasyong pagkain sa evacuation center na kanilang tinutuluyan.

Matapos suriin at painumin ng gamot ng mga doktor agad namang nakalabas ng ospital ang mga ito.

Dahil sa insidente hindi na pinahihintulutan ng lokal na pamahalaan ng Makilala, Cotabato ang pagdadala ng ready-to-eat meals sa mga evacuation centers.Iinspeksyunin na rin muna ng husto ng LGU ang lahat ng mga darating na donasyon.

Samantala, dead on the spot ang pahinante ng truck na may dalang donasyong tubig para sa mga biktima ng lindol matapos mawalan ng preno ang kanilang sasakyan. Sugatan naman ang kasama niyang driver.Ikinalungkot din ng Makilala Local Government ang nangyaring aksidente.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: