Ilang evacuee sa Albay nagsisiuwian na sa kanilang bahay

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 2797

ALBAY
Pagkatapos ng pananalasa ng bagyo, pasado alas nueve ng gabi muling naglibot ang UNTV News sa buong paligid ng Albay, agad na tumambad ang nagkalat ng mga basura sa mga lansangan

Maliban sa mga yerong nagkalat, marami rin ang mga naka usling kawad ng kuryente.

Agad na nagsagawa ng clearing operations ang ilang kawani ng Department of Public Works and Highway mula sa District 2 ng Albay sa ilang kalsada sa probinsya upang madaanan agad ng mga biyahero.

Sa datus ng Office of the Civil Defense Region V umabot sa mahigit isandaang libo pamilya o katumbas sa mahigit apat na raang indibidwal mula sa mahigit dalawandaang barangay ang naapektuhan ng bagyong Nona sa buong Bicol.

Kung saan mahigit walumpung libong pamilya ang mga nasa evacuation center

Pagsapit naman ng umaga, maaliwalas at maganda na ang panahon sa Albay

Ayon kay r. Cedric Daep ang Officer in Charge ng Albay Public Safety and Emergency Management Office nasa 95% ng mga evacuee ang nagsiuwian na.

Tanging ang mga naiwan na lamang sa mga evacuation center ay ang mga pamilyang walang matutuluyan dahil sinira ng bagyo ang kanilang bahay.

Sa biyernes naman ay inaasahang maibabalik na sa normal ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa probinsya.

Hanggang ngayon wala pa rin kuryente sa buong probinsya ng albay subalit nag uumpisa nang mag kumpuni ang mga tauhan ng albay electric corporation.

Dahil maaliwalas na ang pahanon dito, kaniya-kaniya ng linis ng kanilang mga bahay at bakuran ang mga residente

Gaya na lamang sa brgy. Puro legazpi city, abala na sa paglilinis sa mga kalat dulot ng pananalasa ng bagyong Nona

Maaga ring naglibot ang truck mula sa lokal na pamahalaan upang hakutin ang mga basura.

Ang ilang kalsada sa Legaspi Albay na malapit sa dagat ay bahagyang nasira kaya pahirapan ang mag dumadaang sasakyan

Sa ulat ni Gov. Joey Salceda nanatiling zero casualty sa kanilang nasasakupan.

(Allan Manansala/UNTV News)

Tags: , ,