Ilang delata, instant noodles, gatas atbp., may planong magtaas ng presyo ngayong 2024

by Radyo La Verdad | January 8, 2024 (Monday) | 5772

METRO MANILA – Nagbabadyang magtaas ng presyo ngayong taon ang mga manufacturers sa ilang grocery items tulad ng sardinas, gatas, kape, instant noodles , bottled water at iba pang canned goods.

Ngunit ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua wala pa naman ibinababa ang mga manufacturer sa mga supermarkets na listahan ng kanilang mga produkto na nagbabadyang magtaas ang presyo.

Aniya magpupulong muna ang mga manufacturers sa January 24, 2024 sa hirit nilang taas presyo sa ilang grocery items.

Ayon naman sa Department of Trade and Industry, hindi pa aprubado ng kagawaran ang hiling na taas presyo ng mga manufacturer dahil marami pang paguusapan tungkol dito

Sinabi pa ng dti na kung magkakaroon man ng taas presyo sa ilang mga grocery item ngayong 2024 titiyakin nila na mas mababa ito kumpara sa pagtaas noong mga nakaraang taon.

Payo naman ni Cua sa mga mamimili na piliin nalang ang mas murang brand para makatipid.

Tags: , ,