METRO MANILA, Philippines – Mula noong October 8 ay hindi na tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Mahigit sa 2 metro na ang nabawas kumpara sa lebel nito kaninang umaga na 187.53 meters.
“Halos wala lang talagang pag-ulan doon sa may watershed,” ani Ailene Abelardo, Weather Specialist, DOST-PAGASA.
Ayon sa PAGASA, kailangan pa ng 3 bagyo bago mapuno ang Angat Dam sa 210 meters.
“Hindi naman kailangang doon mismo yung bagyo. Kung sakop siya noong cloud rain bands nya na doon ibinubuhos yung malakas,” dagdag ni Ailene Abelardo, Weather Specialist, DOST-PAGASA.
Samantala, nag-abiso na ang Maynilad na posible silang magpatupad muli ng water service interruption bunsod ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat at Ipo Dam.
Pinapayuhan ang mga customers na mag-imbak na ng kakailanganing tubig at abangan sa kanilang social media accounts para sa schedule kung kailan sila mawawalan o hihina ang supply ng tubig sa kanilang lugar.
(Rey Pelayo | UNTV News)