Ilang customer ng Maynilad, posibleng makalibre sa water bill sa Pebrero

by Radyo La Verdad | January 25, 2023 (Wednesday) | 4300

METRO MANILA – Makakakuha na ng rebate ang mga customer ng Maynilad na naaberya dahil sa sunod-sunod na water service interruption.

Ito ay sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Putatan Water Treatment Plant.

Maaari ding walang bayaran ang mga apektadong customer sa kanilang susunod na bill o mabawasan ang kanilang bayarin.

Nasa P27,477,617.12 ang halaga ng rebate na ibibigay ng Maynilad.

Ayon kay MWSS Officer-In-Charge at  Deputy Administrator Lee Robert Britanico, sa katapusan ng buwan isasagawa pag-uusap ng ahensya at Maynilad patungkol sa  detalye kung sino ba ang mga apektadong customer na mabibigyan ng rebate.

Kasama rin sa aalamin ng ahensya ang halaga na makukuha ng bawat costumers dahil kailangan pa itong sumailalim sa masusing validation.

Samantala, kinlaro din ni Britanico na hindi lahat ng nagkaroon ng water service interruption sa mga lugar na apektado tulad ng Parañaque City, Las Piñas, Cavite at iba pa.

Aniya, may mga ikino-konsidera rin ang ahensya sa mga water concessionaires tuald ng pagkakaroon ng interruption dahil sa pagpapalit ng tubo, pagkakaroon ng maintenance at iba pang pasilidad.

At ang paglabag ng rebate ng Maynilad ay dahil sa samu’t saring reklamo na natanggap ng mga customer.

Sa kasalukuyan, balik na sa normal na operasyon ang putatan water treatment plant kaya inaasahang 24/7 ang suplay ng tubig sa Metro Manila at karatig probinsya.

(Bernadette Tinoy | UNTV News)

Tags: ,