Hindi naniniwala ang IBON Foundation sa mga nauna ng pahayag ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB na hindi magdudulot ng pagtaas sa pamasahe ang pagpapatupad ng jeepney modernization ng pamahalaan sa susunod na taon.
Ayon kay Glenis Balangue, Senior Researcher ng IBON, halos 1.5 million pesos ang halaga ng isang unit ng modernong jeep.
Una nang sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagdinig ng Senado noong Lunes na hindi mahal ang modern jeepney, katunayan mayroong tig 800 thousand pesos hanggang 1 million pesos.
Samantala, ilan naman sa mga pasahero ay pabor sa pagpapatupad ng jeepney modernization.
Bukas ay uumpisahan na ng DOTr ang byahe ng PUV modernization program sa tatlong ruta sa mga lugar na nasalanta noon ng bagyong Yolanda sa Tacloban City.
( Ramil Ramal / UNTV Correspondent )
Tags: IBON, jeepney modernization, LTFRB