Paiigtingin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 8 ang kanilang action plan para mapalago ang shellfish industry
dahil sa nakikita nilang potensyal para mapa-angat ang kabuhayan ng mga residente.
Sa inilabas na listahan ng B-F-A-R, maaaring linangin ang coastal waters sa region 8 na negatibo sa red tide toxin, kabilang na ang Cancabato bay sa Tacloban city,Ormoc bay sa Leyte, Sogod bay sa Southern Leyte, Irong-irong bay sa Catbalogan, at iba pang bahagi ng Samar na sagana sa mga tahong, kabibe at tulya.
Sa action plan ng B-F-A-R, plano nilang bisitahing muli ngayong Hunyo ang ginawa nilang roadmap para masimulan na ang proyekto sa mga nabanggit na lugar.
Batay rin sa isinagawang roundtable discussion ng B-F-A-R, kasama ang Department of Science and Technology napagkasunduan ang ilang hakbang para mapalago ang shellfish industry tulad na lamang ng pagkakaroon ng environmental monthly monitoring.(Jenelyn Gaquit/UNTV Correspondent)