Gaya ng produktong petrolyo, may imbentaryo rin ang mga car dealer kaya di agad magpapatupad ng dagdag-presyo sa kanilang produkto.
Inuubos pa nila sa ngayon ang mga lumang stock na hindi kabilang sa papatawan ng excise tax. Naghihintay din sila sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng batas.
Pero kahit wala pang ipinatutupad na pagbabago sa presyo ang Hyundai Philippines, inaasahan na nila ang pagbaba ng kanilang sales kapag nagpatupad na ng price adjustment.
Sa taya ng FinancePH, isang grupo ng mga certified public accountants, kapag naipatupad automobile excise tax rate, 12 thousand hanggang 88 tousand pesos ang magiging increase sa mga sasakyang nagkakahalaga ng 1.2 million pesos. 28 thousand pesos naman ang ipapatong sa mga sasakyang nagkakahalaga ng 1.5 million pesos.
Payo naman ni Mark Fernandez, Financial Analyst / Founder ng FinancePH, sa mga nais magkaroon ng sasakyan sa gitna ng nakaambang pagtataas sa presyo ng mga brandnew na sasakyan, kung may makukuha na mas murang halaga ng sasakyan para makatipid sa krudo na gagastusin, mas maiigi at kung madalas namang pumapasok sa opisina, maaari namang kumuha ng taxi o Uber.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )
Tags: car dealers, IRR, tax reform law