Ilang botika sa Texas, USA, nagkukulang na ng gamot sa flu dahil mataas na kaso ng sakit

by Radyo La Verdad | January 5, 2018 (Friday) | 9883

Dahil sa unusual weather conditions at cold snap temparatures na bumalot sa halos buong America, lalong tumaas ang bilang ng flu cases partikular sa Northern Texas, kung saan nagkaroon ng flu epidemic.

Bago magpalit ng taon, ayon sa ating sources ay maraming mga pharmacies sa Northern Texas ay mayroon shortage ng tamiflu.  isang kilalang gamot para sa flu virus.

Sa Tarrant County, ilang pharmacies ang nag-report ng mahabang pila ng demand ng gamot gayun din sa Dallas County.

Ayon sa Center for Disease Control and Prevention o CDC, nakapagtala na ng 1,100 flu related cases ang Tarrant County, habang anim na ang namatay sa flu like symptoms sa Dallas.

Inaasahang dadami pa ang bilang ng flu cases sa Texas hanggang February lalo na sa malamig na condition sa bansa. Payo ng CDC, ang vaccine parin ang mabisang prevention sa flu.

Ayon sa CDC, maraming mga residente sa Estados Unidos ang hindi nagpapa-vaccine dahil hindi sila naniniwala sa effectivity nito.

 

( Marie Peñaranda / UNTV Correspondent)

Tags: , ,