Ilang biktima ng sunog sa Malate, Maynila, humihingi ng livelihood assistance

by Radyo La Verdad | August 21, 2017 (Monday) | 3834

Mahigit 300 pamilyang nawalan ng tahanan sa sunog noong Biyernes ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa Amadome Covered Court at iba pang evacuation center sa Malate, Maynila.

Ayon sa DSWD, sapat ang kanilang ayuda sa mga nasunugan hanggang sa susunod na ilang araw gaya ng pagkain, tubig at matutulugan. Pero ang mas malaking problema ng ilan ay kung paano muling magsisimula sa nawalang hanap-buhay. Kaya hiling nila ay ayuda mula sa pamahalaan.

Pagtitinda ng kakanin ang hanap-buhay ng marami sa mga residente. Problema rin ang malilipatan ng mga nasunugan.

Bukod sa naabo ang mga bahay, may malaking negosyante rin umano na umaangkin sa naturang residential area.

 

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,