Ilang barangay sa Quezon City mas pinaigting na ang ipinatututpad na curfew hours sa mga menor de edad

by Radyo La Verdad | May 30, 2016 (Monday) | 2727

MACKY_CURFEW
Sa paglilibot namin sa ilang barangay dito sa Quezon City ay napansin natin na mas mahigpit na ang pagpapatupad ng mga ito sa curfew hours sa mga menor de edad, katunayan ilang kabataan at mga magulang ang naabutan nating sumasailalin pa sa counselling matapos ang paglabag sa ordinansa.

Sa Barangay Veterans Village, mula alas dies ng gabi ay bawal ng magpalaboy-laboy ang mga menor de edad lalo na kung walang kasamang magulang ayon sa umiiral na ordinansa sa lugar.

Kaya naman ng mahuli ang dalawang kabataan alas dos kaninang umaga ay agad na isinailalim ito sa counselling maging ang kanilang mga magulang.

Ayon sa mga tauhan ng Barangay Veterans Village, naglibot pa sila sa buong barangay para i-anunsyo sa mga residente ang mas mahigpit na implementasyon ng curfew hours.

Epektibo anila ang pagsasagawa ng information drive sa barangay dahil nakatulong ito upang mabawasan ang mga batang nahuhuli nila gabi-gabi sa kalsada.

Ang Barangay Batasan Hills naman bagamat matagal na nilang mahigpit na ipinatutupad ang 10:00 pm na curfew hours sa mga kabataan ay marami pa rin silang nahuhuling lumalabag dito.

Pag patak ng alas dies ng gabi ay tutunog ang mga trompang nakakalat sa buong barangay hudyat ng pag uumpisa ng curfew hours.

Ngunit kanina sa ating paglilibot, pag patak ng alas dose ng hating gabi mahigit sampung menor de edad na nasa lansangan ang nadampot ng mga barangay tanod.

Bago pauwiin ang mga nahuling menor de edad, sumasailalim pa sila sa counceling pati ang magulang nito.

Binibigyan din ng babala din ang mga magulang kung ano ang maaring maging parusa kapag nakailang ulit ng lumabag sa curfew ang bata.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , ,