Ipinatutupad pa rin ng Quezon City Government ang curfew hours sa kabila ng ibinabang temporary restraining order ng Korte Suprema.
Sa panayam ng programang Get It Straight with Daniel Razon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, sinabi nito na hanggat hindi pa nila nakukuha ang kopya ng TRO ay tuloy pa rin ang pagpapatupad sa ordinansa.
Subalit ayon sa alkalde, hindi sakop ng TRO ang ilang barangay sa Quezon City na may sariling barangay ordinance sa curfew hours.
Ngayong araw ay magpupulong ang city government upang alamin kung ilang barangay ang hindi sakop ng TRO ng Korte Suprema.
Tags: Ilang barangay sa Quezon City, magpatupad ng curfew, Mayor Bautista, TRO
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com