Hindi maglalagay ng designated area kung saan maaring gumamit ng paputok ang ilang barangay sa Quezon City.
Ayon sa pamunuan ng barangay ng Culiat, ang striktong pagbabawal sa paggamit ng paputok ang nakikita nilang susi para maiwasan ang firecracker injuries tuwing nagpapalit ng taon.
Sa unang pagkakataon, total ban na sa paggamit ng paputok ang paiiralin ng barangay Bagbag sa kanilang lugar.
Paglilinaw naman ni Quezon City Administrator Aldrin Cuña, walang ipinatutupad ang Quezon City Government na total ban sa paggamit ng paputok. Bagamat ipinagbabawal ang paggamit ng paputok sa mga pampublikong lugar sa Quezon City sa ilalim ng City Ordinance 2618, maari namang magtalaga ng community display area.
Ipinauubaya din naman ng city government sa bawat barangay kung magpapatupad ang mga ito ng total ban sa paggamit ng paputok.
( Rajel Adora / UNTV Correspondent )
Tags: barangay, firecracker zone, Quezon City
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com