Ilang barangay sa Nueva Vizcaya, isolated dahil sa landslide

by Radyo La Verdad | November 1, 2018 (Thursday) | 21094

Wala munang makakalabas at makakapasok sa ilang barangay sa bayan ng Ambaguio dahil sa pagguho ng mga lupa dulot ng Bagyong Rosita.

Ang bayan ng Ambaguio ay isang fifth class municipality sa kabundukan ng Nueva Vizcaya at mayroong mahigit labing anim na libong populasyon.

Kabilang sa isolated ang Barangay Poblacion, Amueg, Dulli, Labang, Napo, Salingsingan at Camandag. Nasa mahigit kumulang na anim na libong tao ang nakatira sa naturang mga barangay.

Landslide prone area ang bayan ng Ambaguio kung kayat delikado na pumunta dito lalo na kung may malakas na bagyo.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction And Management Council, gumuho ang lupa dahil sa epekto ng malakas na buhos ng ulan.

Aalamin pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung gaano kalaki ang kailangan i-clear upang makapagpadala ng mga equipment. Hindi pa matiyak ng DPWH kung hanggang kailan mananatiling isolated ang naturang mga barangay.

Tiniyak ng provincial government na hindi naman kailangan magpadala ng relief goods o anomang tulong dahil may sapat na supply ng pagkain sa lugar.

Ang kailangan sa ngayon ay ma-clear agad ang mga gumuhong lupa upang makalabas at makapasok sa kanilang barangay ang mga residente.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,