Ilang barangay officials, nakakatanggap umano ng banta sa buhay habang papalapit ang BSKE

by Radyo La Verdad | May 30, 2023 (Tuesday) | 30816

METRO MANILA – Limang buwan bago ang Barangay at Sangguniaang Kabataan Election (BSKE), mayroon nang natatanggap na report ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa ilang barangay officials na nakatatanggap ng banta sa buhay.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ito ang isa sailalim nila sa threat  assessment upang mabigyan ng kaukulang aksyon gaya ng pagdaragdag ng seguridad sa mga barangay kung saan may banta ang mga opisyal dito.

Maaari din naman humiling ng exemption sa Comelec gun ban ang mga ito biglang dagdag proteksyon.

Bagamat hindi pa matukoy ng PNP kung ilan nang barangay officials na nakatatanggap ng banta ay handa aniya ang pulisya na bigyan ng seguridad nag mga ito kung kinakailangan.

Bukod sa mga ulat na ito, wala pa naman natatanggap na  banta sa seguridad ang PNP kaugay sa nalalapit na BSKE sa Oktubre.

Subalit, nagbabala din ang pamunuan ng pambansang pulisya sa mga kandidato na magbibigay ng permit to campaign sa New Peoples Army (NPA).

Ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election ay sa August 28 – September 2.

Habang ang election period naman ay magsisimula sa August 28 – November 29.

Dagdag ng PNP sa naturang mga petsa iiral na din ang gun ban.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: , ,