Problema pa rin hanggang ngayon ng local na pamahalaan ng Daraga sa Albay ang kawalan ng sanitary landfill na magsisilbing tapunan ng mga naipong mga basura mula sa ilang residente sa kanilang bayan.
Isa lamang ang Daraga sa anim na munisipyo at lungsod na posibleng kasuhan ng Environmental Ombudsman kaugnay sa problema sa open dumpsite na nakapaloob sa Republic Act 9003 o Ecological Waste Management Act.
Ayon kay Henry Jacob, ang Municipal Environment and Natural Resources Officer ng Daraga,Albay may target na umano silang lugar na pwedeng gawing sanitary land fill subalit posibleng matagalan pa ito.
Kung kaya’t nagkaroon sila ng mandato sa mga barangay officials ng kanilang munisipyo na magkaroon ng Material Recovery Facility o MRF bilang short term solution sa kanilang problema hanggat wala pang opisyal na sanitary land fill ang kanilang bayan.
Ang MRF ang pansamantalang magsisilbing imbakan ng mga basurang nakolekta sa mga residente ng isang barangay kung saan dito magkakaroon ng waste segregation.
Subalit problema din ng LGU ang pagpapatayo ng mrf dahil sa kakulangan ng pondo at lugar kung saan ito itatayo.
Kaugnay nito, pansamantala iniutos ni Capt. Lisay sa kanyang mga nasasakupan na ibaon muna lupa o kaya gawing fertilizer ang naiipong basura sa kanilang barangay habang nasa proseso pa lamang ang pagtatayo ng MRF.
Possible naman anilang makasuhan ng pagkakabilanggo at kalahating milyong pisong multa ang magiging parusa sinomang mapapatunayang nagkaroon ng kapabayaan o paglabag hinggil sa Ecological Waste Act o RA 9003.
(Hazel Rivero / UNTV Correspondent)
Tags: Ilang barangay official sa Albay, posibleng makasuhan dahil sa napabayaang problema ng basura
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com