Ilang bahagi ng Southern Luzon at Visayas, uulanin dahil sa habagat

by Radyo La Verdad | July 27, 2018 (Friday) | 2793

Apektado pa rin ng habagat ang ilan bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, magiging makulimlim na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Mindoro provinces, Palawan at Western Visayas.

May thunderstorms naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, umiiral pa rin ang isang low pressure area sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na kaninang ika-3 ng umaga ay namataan ng PAGASA sa layong 60km sa kanluran ng Ambulong, Batangas.

Ayon sa PAGASA, maliit pa ang posibilidad na ito’y maging bagyo.

 

Tags: , ,