Ilang bahagi ng Olympic Park, nasira dahil sa malakas na hangin

by Radyo La Verdad | February 15, 2018 (Thursday) | 2881

Pansamantalang ipinasara ang Olympic Park sa Gamgneung South Korea kahapon dahil sa napakalakas na hangin. Nagtakbuhan rin ang mga tao upang makalayo sa nasirang bahagi ng park.

Dalawang concession stand ang bumagsak at kahit ang mga refrigerator na naglalaman ng mga free drinks ay nagtumbahan kaya nagkalat ang mga salamin, dahilan para pansamantalang ipasara ang lugar.

Ayon sa Korea Meteorological Administration, ang hangin sa Gangneung sa ngayon ay may bilis na 7 miles per second kagabi.

Kaya naman, nagpakalat ng text message ang Gangnueng City Hall sa mga residente na maging mapagmatyag at alerto sa mga nagliliparang debris, yero o anomang maaring makapinsala.

Kahit ang media village kung saan naglalagi ang international media ay apektado rin ng malakas na hangin. Ang mga tents ay nasira rin at ipinasara na lang muna.

Samantala sa Pyeonchang naman, ilang laro din ang pansamantalang kinansela at ni-reschedule naman ang iba dahil sa malakas na hangin.

 

Tags: , ,