Ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite, mawawalan ng supply ng tubig simula March 31

by monaliza | March 30, 2015 (Monday) | 3704

IMAGE_APR142014_UNTV-News_GRIPO

Ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite ang mawawalan ng supplay ng tubig ngayon araw sa loob ng 12 hanggang 18-oras.

Sa abiso ng Maynilad, magkakaroon sila ng pipe realignment o pag-aayos ng tubo sa bahagi Juan Luna at Hermosa streets sa Manila na aabutin ng tatlong araw.

Simula mamayang 2:00pm to 6:00pm ng April 1, mawawalan ng tubig ang Barangay d. Fajardo, E-Aldana, Ilaya, Manuyo Uno at Dos sa Las Piñas City; habang sa Paranaque, apektado ang Barangay Don Galo, La Huerta, Santo Niño, San Dionisio, Moonwalk, malaking bahagi ng BF Homes at San Isidro.

Alas-dose ng tanghali ng April 1 naman hanggang alas-dos ng madaling araw ng April 2 naka-schedule ang Barangay 201 sa Pasay pati na ang Barangay Merville sa Paranaque, Marcelo, San Antonio, Moonwalk at Greenheights Subdivision sa San Isidro.

18-hours naman ang service interruption sa Noveleta, Cavite – mula 12:00 ng tanghali ng April 2 hanggang 6:00am ng April 3, at apektado nito ang Barangay Magdiwang, Poblacion, Salcedo Uno at Dos, San Rafael Uno hanggang Tres, San Juan Uno at Dos, Sta. Rosa Uno at ang kahabaan ng M. Salud Road.

Sa kaparehong schedule rin ng water interruption ang ipatutupad sa lahat ng Barangay sa Cavite City pero sa bayan ng Rosario, ang Barangay Kanluran, Muzon Dos, Poblacion, Sapa Tres, Silangan Uno at Dos at Wawa lang apektado.

Sa April 3 naman mula 12-midnight hanggang 3:00pm naka-schedule ang 14-hours na service interruption sa Barangay Manuyo Uno at Dos, Pamplona, Pulang Lupa at Zapote sa Las Pinas.

Tiniyak naman ng Maynilad na may ipapadala silang water trucks na puwedeng mag-rasyon ng tubig sa mga lugar na apektado ng service interruption.

Tags: ,