Ilang bahagi ng Mandaluyong at Marikina, mawawalan ng supply ng tubig

by Radyo La Verdad | August 18, 2016 (Thursday) | 1287

WATER
Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Mandaluyong at Marikina City simula mamayang gabi hanggang bukas ng madaling araw.

Sa abiso ng Manila Water, mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Barangay Mauway, Pleasant Hills at Addition Hills sa Mandaluyong dakong alas nueve ng gabi hanggang alas sais ng una ng Biyernes.

Samantala mula naman alas dies ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling nakatakda ang water service interruption sa Marikina City.

Apektado ng isasagawang line meter replacement ang ilang bahagi ng Concepcion Uno at Barangay Parang.

Tags: ,