Ilang bahagi ng Luzon, uulanin pa rin dahil sa habagat

by Radyo La Verdad | August 20, 2018 (Monday) | 2443

Apektado pa rin ng habagat ang ilang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Provinces, Batanes at Babuyan Group of Islands.

Kaparehong panahon din ang inaasahan sa Eastern at Central Visayas, Caraga, Davao Region at Northern Mindanao dahil naman sa trought o extension ng low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Namataan ito ng PAGASA sa layong 1,965km sa silangan ng Visayas. Posible itong lumakas pa subalit maliit ang tsansa na tumama sa bansa.

Ang nalalabing bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ay makatatanas din ng papulo-pulong pag-ulan.

Mapanganib namang pumalaot ang mga sasakayang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa northern at western seaboards ng Northern Luzon dahil sa taas ng pag-alon.

 

Tags: , ,