Ilang bahagi ng EDSA, isasailalim sa road repair ngayong long holiday

by dennis | April 2, 2015 (Thursday) | 1749

IMAGE_UNTV-News_MAY022013_PHOTOVILLE-International_Raymond-Lacsa_EDSA-Traffic

Muling magsasagawa ng road repairs ang Department of Public Works and Highways sa ilang bahagi ng EDSA epektibo mamayang 12:00 ng hatinggabi, Abril 2, hanggang 12:00 ng tanghali, Abril 5, araw ng Linggo.

Binigyan ng pahintulot ng Metropolitan Manila Development Authority ang DPWH na magsagawa ng road repairs ngayong long holiday sa apat na seksyon ng EDSA sa Makati at Mandaluyong City.

Ang mga bahaging isasailalim sa road repair ay ang dalawang seksyon sa lungsod ng Makati mula Loyola Memorial Chapel hanggang Kalayaan Avenue (4th at 5th lane, South bound); at mula Buendia hanggang Escuela St. (4th at 5th lane, North bound) at ang dalawang iba pang seksyon sa lungsod ng Mandaluyong City na sasailalim sa road repair ay ang, mula Guadalupe Bridge hanggang Temple Drive (Northbound) at mula Connecticut hanggang Guadalupe Bridge (South bound).

Kasabay nito, pinayagan din ng MMDA ang DPWH na magsagawa ng road repair sa kahabaan ng Mindanao Avenue mula Road 8 hanggang North Avenue (1st lane, South bound); at sa bahagi ng Rodriguez Avenue mula Poseidon St hanggang Greenmeadows Avenue (2nd lane mula sidewak, South bound) at mula Valle Verde Resins Inc. hanggang SM Warehouse (2nd outermost lane, Northbound) sa Pasig City.

Tags: , , , ,