Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang ilang bahagi ng Davao Oriental kaninang madaling araw.
Sa ulat ng PHIVOLCS, pasado ala-una ng umaga nang maramdaman ang lindol sa mga bayan ng Cateel, Bislig, Hinatuan at Barobo sa Surigao del Sur;
Naramdaman rin ang pagyanig sa Lingig at Lianga, Surigao del Sur at Cagayan de Oro.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 102 kilometers; natukoy rin ang epicenter nito sa layong labing-anim na kilometro hilagang-silangan ng Cateel.
Inaasahan ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga nabanggit na lugar.
Wala namang napaulat na nasaktan o napinsala dahil sa lindol.
(Joeie Domingo / UNTV Correspondent)