Umabot na sa halos six hundred million pesos ang halaga ng pinsala ng dry spell sa sektor ng agrikultura sa North Cotabato.
Sa ulat ng Provincial Agriculture Office, five hundred ninety three million pesos ang naitalang pinsala mula Pebrero hanggang abril sa libo-libong ektarya ng palayan, maisan at taniman ng saging.
Apektado rin ang high-valued crops tulad ng tubo(sugar cane) at mga puno ng cacao at rubber.
Kaugnay nito, isinailalim na sa state of calamity ang mga bayan ng Kabacan at M’lang sa Cotabato habang ang Kidapawan city ay balak na ring magdeklara dahil sa epekto ng dry spell sa mga babuyan at fishponds.
Apektado rin ng tagtuyot ang bayan ng Matalam, Midsayap, Magpet, Tulunan, Banisilan at Alamada sa Mindanao.