Ilang bahagi ng bansa, makakaranas ng pag-ulan dahil sa Tail-End of a Cold Front

by Radyo La Verdad | December 27, 2017 (Wednesday) | 6995

Makakaranas ng maulang panahon ang maraming bahagi ng bansa. Ang Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas, Oriental Mindoro at Marinduque ay makakaranas ng maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Tail End of a Cold Front.

Maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms din ang mararanasan ng Caraga at Davao region dahil sa easterlies.

Ganito rin ang magiging lagay ng panahon sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Regions at Aurora dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may mahinang mga pag-ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Asahan din ang mga pag-ulan sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.

 

Tags: , ,