Ilang bahagi ng bansa, makakaranas ng mga pag-ulan ngayong araw

by Radyo La Verdad | September 25, 2018 (Tuesday) | 8681

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstoms ang Western Visayas, Zamboanga Peninsula, ARMM at Soccsksargen.

Maulap na kalangitan at isolated rainshowers naman ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Huli namang namataan ang Bagyong Paeng sa layong 740 kilometers sa silangan ng Basco, Batanes kaninang alas tres ng madaling araw.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 200 kph at pagbugso na aabot sa 240 kph. Kumikilos ito sa bilis na 10 kph.

Nakataas naman ang gail warning sa northern at eastern section ng Luzon gayundin sa eastern section ng Visayas at Mindanao kaya pinapayuhan ang mga mangingisda na huwag mulang pumalaot dahil maalon ang karagatan.

 

Tags: , ,