Ilang bahagi ng Antipolo City, mawawalan ng supply ng tubig

by Radyo La Verdad | October 26, 2016 (Wednesday) | 2953

WATER
Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Antipolo City Rizal.

Batay sa abiso ng Manila Water, apektado ng isasagawang line meter replacement sa Sitio Mabilog na Gulod at Purok Tagumpay ang ilang bahagi ng Barangay Lower San Luis at Bagong Nayon.

Magsisimula ang water service interruption mamayang alas onse ng gabi at tatagal hanggang alas kwatro y media ng madaling araw bukas.

Tags: ,