Ilang atleta nakaranas ng aberya sa Transportation, Accomodation at pagkain

by Erika Endraca | November 25, 2019 (Monday) | 2682
Photo taken from ASEAN Football News Facebook page

METRO MANILA – Aberya agad ang bumungad sa mga football player sa 30th Southeast Asian pagdating dito sa bansa nitong weekend.

Ang mga football player ng bansang Cambodia sa sahig na ang hotel natulog matapo umano silang pagantayon ng 12-oras maisaayos ang kanilang hotel accomodation. Nakansela rin ang kanilang pageensayo kahapon (Nov. 24).

10 oras naman umano ang inantay ng mga football player ng Myanmar bago makarating sa kanilang hotel. Ang ilan sa mga player nakatulog na sa upuan sa habang hinihintay ang kanilang sasakyan.

Ayon sa Facebook post ng ASEAN Football News mali umano ang unang hotel na pinagdalhan sa mga atleta kaya lalao pa silang natagalan bago tuluyang makapag pahinga sa kanilang hotel.

Delay rin ng dumating ang sasakyan nakatalaga sa mga football player ng Myanmar Kahapon (Nov. 24). Hindi rin nila nagustuhan ang umano’y mini bus na kanilang sinakyan dahil hindi komportable dito ang mga atleta.

Maging ang kanilang nakatakdang practice nakansela na rin. Inireklamo naman ng Thailand football team ang umano’y 2 oras na biyahe mula airport hanggang sa kanilang hotel.

Hindi na rin natuloy ang kanilang pag-eensayo dahil sa matinding traffic. Limitado rin umano ang inuming tubig at paulit ulit rin umano ang ibinibigay na pagkain at na binibigay sa mga atleta na puro Filipino food. Kaya ang prime minster na ng bansa ng nagutos na bilhan ng Thai food ang kanilang mga player.

Matapos ang kaliwa’t kanang aberyang nangyari humingi ng paumanhin ang mga organizer ng seagames. Inamin ng kumite na nagkulang sila sa pagsasaludar sa mga dumating na atleta. Dagdag pa ng kumite huli na ng abisuhan sila ng Cambodia na nagbago pala ang kanilang flight details.

Pero isang oras matapos paghingi ng paumanhin ng mga organizer ng SEA Games mismong ang mga Womens Football team ng Pilipinas nakaranas uli ng delay. Pansamantalang inilagay sa function room ang mga pinoy athlete dahil hindi pa umano ayos ang kanilang kwarto at pinagkasya umano ang 4-5 atleta sa kwartong pang dalawahan lang.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: