Ilang alkalde sa listahan ng “narco politicians”, isasailalim sa lifestyle check

by Radyo La Verdad | August 9, 2016 (Tuesday) | 1379

pampanga-mayor
Pitong mayor at isang vice mayor na nakabilang sa pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umanoy “narco politicians” ang nag-report kahapon kay Department of Interior and Local Government Secretary Mike Sueno alinsunod sa direktiba ng Pangulo.

Pinabulaan nina San Rafael, Bulacan Mayor Cipriano “Goto” Violago, Maasin Iloilo Mayor at Carles Iloilo Mayor Sigfredo Betita Mariano Malones na sangkot sila sa operasyon ng illegal drugs sa bansa.

Handa naman magpa-life style check si Marawi City Vice Mayor Arafat Salic upang patunayan na hindi sya protektor ng droga sa kanyang lugar.

Nakipagusap na rin sina kay Sec. Sueno sina Hamtic, Antique Mayor Julius Pacificador, Mabalacat Pampanga Mayor Marino Morales
at Lao-Ang Mayor Hector Ong.

Subalit tumanggi ang mga ito na magbigay ng pahayag sa media.

Ayon kay DILG Sec. Sueno lahat ng mga local executive na nagtungo sa kanyang tanggapan ay pumirma ng waiver bilang pagsang ayon na ma-imbestigahan ng ahensya ang kanilang mga bank account at negosyo.

Nilinaw naman ng DILG na maari pa ring gumanap ang mga ito ng kanilang tungkulin bilang public official.

(UNTV RADIO)

Tags: