Ilang ahensya ng pamahalaan, may kapabayaan sa kaso ng Chinese workers sa Pampanga – Sen. Villanueva

by Radyo La Verdad | December 8, 2016 (Thursday) | 2099

sen-villanueva
Labis na ikinabahala ng Senate Committee on Labor Employment and Human Resources Development ang pagkakahuli sa mga Chinese national na ilegal umanong nakapagtrabaho sa isang casino sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Committee Chairman Sen. Joel Villanueva, malinaw na may pagkukulang ang ilang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng pagbibigay ng working permits sa foreign nationals na pumapasok sa bansa.

Ilan sa ahensyang kasama sa pagdinig na isinagawa kahapon kaugnay sa isyu ang iba’t ibang regional offices ng DOLE at Bureau of Immigration na tumalakay sa pagbibigay ng permiso at visa sa isang foreign worker sa bansa.

Lumabas sa imbestigasyon, mahigit 90 sa mg ito ang overstaying habang ang iba naman ay pumasok naman bilang turista.

Ayon pa kay Sen.Villanueva, dapat linawin ng mga ahensyang ito kung paano nakapasok at nakapagtrabaho dito ang mga naturang foreign illegal workers.

(UNTV News)

Tags: , ,