Ilan sa napaulat na kidnapping incidents sa social media, luma na – PNP

by Radyo La Verdad | August 24, 2022 (Wednesday) | 35456

METRO MANILA – Luma na umano ang ilan sa mga uploaded na videos sa social media ng umano’y kidnapping.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ilan dito ay nangyari pa noong nakaraang taon.

Hindi naman mahalaga para sa PNP kung luma o bago ang mga kidnapping incidents at tuloy-tuloy naman ang kanilang imbestigasyon sa iba pang impormasyon na kumakalat sa social media upang matukoy ang katotohanan at kung sino ang mga nasa likod ng mga pandurukot.

May paalala naman ang pamunuan ng PNP sa mga batang sumasakay sa mga pampublikong sasakyan lalo na ngayong nag-umpisa na ang klase.

“So we encourage ho lahat ng ating mga estudyante na tingnan ho nila kung ano yung mga sinasakyan ho nila and then itake note ho nila yung plate number, ano yung pangalan ng taxi or ano po yung pangalan ng public transport na sinasakyan nila. Itext ho nila ang kanilang mga magulang, mga kaibigan para nang sa ganun alam po nila kung anong oras sumakay at ano yung expected na dating nila sa kanilang respected na mga bahay.“ ani PNP Chief, PGEN. Rodolfo Azurin Jr.

Sa mga magulang, dapat ding alamin kung legal o rehistrado ang school service na susundo at maghahatid sa mga bata.

Makatutulong din kung iiwas na ang mga kabataan sa pagpunta kung saan saan pagkatapos ng klase o trabaho.

Huwag din lumakad ng mag isa kung may importanteng pupuntahan at makabubuti kung may kasama na mas nakatatanda. Huwag din basta magtitiwala lalo na kung hindi masyadong kilala ang isang tao.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: ,