Ilan sa mga nais gawin agad ni Pangulong Duterte, inihayag sa unang cabinet meeting

by Radyo La Verdad | July 1, 2016 (Friday) | 2734
Photo Courtesy:  Presidential Photographer Division
Photo Courtesy: Presidential Photographer Division

Isa sa mga ipinunto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang pormal na pagpupulong ng kaniyang gabinete sa Malakanyang na hindi dapat maapektuhan ang operasyon sa mga paliparan dahil sa pagdating ng presidential plane.

Aniya, kapag bumibyahe siya pauwi ng Davao City ay dapat sumunod pa rin sa sistema ng airport na parang isang ordinaryong biyahero ganun din ang kaniyang mga gabinete.

Bukod dito, nais pang paigtingin ni President Duterte ang paghahanda ng pamahalaan sa pagdating ng mga malalakas na bagyo at la niña o palakasin ang disaster risk management sa bansa.

Plano rin ng bagong pangulo na gawing nationwide ang 24/7 hotline number 8888 na tatanggap ng mga reklamo at mga sumbong.

Nagbanta rin ang pangulo hinggil sa online gambling.

Aniya, dapat nang tigilan ang mga paglaganap ng nito.

Sa usapin naman ng trapiko, upang mabawasan ang suliranin sa traffic congestion sa Metro Manila, dapat na aniyang gumamit ng airport terminal sa Pampanga o sa Clark airbase.

Inatasan din niya si Health Secretary Paulyn Ubial na pumunta sa bansang Cuba upang pagaralan ang pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan.

Pinutol naman ang live feed ng first cabinet meeting nang talakayin na ang foreign policy ng administrasyon.

Partikular na rito ang mga posibleng maging susunod na hakbang ng pamahalaan sakaling ilabas na ang ruling ng arbitration court sa West Philippine Sea.

(Rosalie Coz/UNTV Radio)

Tags: ,