Ilan sa mga na dismissed PNP Officials, naniniwala pa rin sa justice system ng bansa

by Radyo La Verdad | July 8, 2015 (Wednesday) | 1922

ACIERTO
Malungkot at aminadong mababa ang morale ng ilang opisyal ng Philippine National Police matapos na ilabas ng Office of the Ombudsman ang dismissal order sa kanila hinggil sa isyu ng werfast courier noong June 30.

Ayon kay P/SSupt. Eduardo Acierto, babalik na sana sila sa serbisyo noong July 5 subalit nasorpresa sa desisyon ng Ombudsman.

Base sa desisyon ng Ombudsman, aalisan sila ng pension, iba pang benipisyo, hindi na maaaring magtrabaho sa alin mang ahensya ng gobyerno at kanselado rin ang civil service eligibility.

Tulad sa nakasaad sa kanilang affidavit, nanindigan ito na kinontra nila ang pagpapatupad ng kontrata upang maging official courier ng mga lisensya ng baril ang werfast.

Ito’y kahit na naglabas ng memorandum ang pamunuan ng PNP na pirmado ni P/CSupt. Virgilio Meneses na ipatupad ito.

Gayunman, nanaig pa rin ang desisyon ng noo’y PNP Chief na si Dir. Gen. Allan Purisima.

Sa kabila nito naniniwala pa rin silang papaboran ng korte ang isinampa nilang petition for review sa Court of Appeals upang kontrahin ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman.

Sa kasalukuyan tanging si P/CSupt. Raul Petrasanta at P/SSupt. Eduarto Acierto pa lamang ang nakapaghain ng petisyon sa C.A.

Tags: , , ,