Ilan sa mga akusado sa Maguindanao massacre, mababasahan ng sakdal bago matapos ang taong 2018 – Sec. Roque

by Radyo La Verdad 1350 | February 22, 2018 (Thursday) | 3355

Tiniyak ni Secretary Roque na mababasahan ng sakdal ang ilan sa mga sangkot sa karumaldumal na pamamaslang sa Maguindanao massacre. Hindi na idinetalye ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang proseso sa pagresolba ng mga kaso kaugnay ng Maguindanao massacre.

Subalit, tiniyak ng Malacañang na bago matapos ang taong 2018, may mga mapapanagot na sa mga sangkot sa karumaldumal na pagpaslang sa 58 indibidwal kabilang na ang apat na kawani ng UNTV News.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng pagpupulong ang punong ehekutibo sa ilang kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre noong nakalipas na taon.

Nakatakda ring ipatawag sa Malacañang sa isang pagpupulong ang mga piskal na tumututok sa naturang mga kaso. Welcome development naman sa kaanak ng Maguindanao massacre victim ang ulat ng kalihim.

 

(Rosalie Coz/UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,